tsaka na lang...

tsaka na lang…pag may oras ka na para sa akin at para hindi parang pilit ang pagbibigay mo ng oras sa akin.

tsaka na lang…pag alam mo kung ano ang pagkakaiba ko sa mga kaibigan, kabarkada at iba pang bagay na pinagkakaabalahan mo.

tsaka na lang…pag hindi mo na ako kayang saktan.

tsaka na lang…pag kaya mo ng tuparin mga pangako mo sa akin.

tsaka na lang…pag kaya mo na akong hindi ihuli sa iba mo bang pinagkakaabalahan.

tsaka na lang…pag kaya mo na akong gawing parte ng buhay mo.

tsaka na lang…pag alam mo ng hindi mo pala kayang mawala ako sa buhay mo.

tsaka na lang…pag kaya mo ng iparamdam sa akin na naaappreciate mo lahat ng binibigay at ginagawa ko para sa iyo at sa ating dalawa.

tsaka na lang…pag kaya mo ng ipagmalaki sa buong mundo na ako ang mahal mo.

tsaka na lang…pag lahat gagawin mo maging masaya lang ako at maramdaman kong importante ako sa iyo.

tsaka na lang…pag consistent ka na sa mga actions mo sa tuwing sasabihin mo sa aking aayusin natin lahat ito

tsaka na lang…pag talagang decided ka na na ako ang gusto mong makasama buong buhay mo.
kasi ngayon, pagod na ako.

masakit na mata ko kakaiyak.

masakit na din dibdib ko.

masakit na din ulo ko kasi nalilito ako sa pagkakaiba ng mga sinasabi mo at ginagawa mo.

masakit na din umasa, tapos sa bandang huli wala din palang mapapala.

masakit din kasi maniwala sa mga sinasabi mo ngayon, pero bukas iba na pala.

ang sakit-sakit na kasi.

kaya tsaka nalang…pag kaya ko na ding mawala ka para hindi na ganun kasakit.

at tsaka na lang…pag hindi na kita masyadong mahal.

2 Responses
  1. Anonymous Says:

    ms. jheng, this one really hit me BIGTYM! :(
    btw, im a fan of urs. takecare! Godbless you more.


  2. iamsutil Says:

    thanks for reading my post...hang in there, everything will fall in the right places at the right time. God bless us all (hugs)